Part 1: Investing in Soil for Tomorrow
Things to consider if you decided to start gardening.
1. Location
2. What to plant and what to use
3. Potting medium
4. Fertilization
5. Weeds, Pest & Disease Management
6. Trellis, Pruning & Vine Training
Ang daming kailangang isipin bago ka makapagharvest ng kakainin mo ano? Ang lahat ng yan ay importante sa paglaki ng halaman. At minsan nagiging complicated ito kapag naghalo-halo na lahat ng problema na pwede mong maranasan sa pagtatanim. Kaya nag give -up nalang tayo.
Para di kayo mag-give up agad, I will share to you some "thoughtful ideas" that could actually minimize repeated concerns in gardening. Pero syempre effective lang din ito sa taong mahaba ang pasensya at nai-enjoy ang every process ng pag produce ng sariling pagkain.
Common Concerns in Gardening
1. Price of garden soil if you live in urban areas.
2. Continuous application of fertilizer if you decided to do container gardening.
3. Unlimited weeds, pest & diseases problems.
✌ I am not saying that these ideas will solve all our gardening problems. Definitely NOT! However, I have come up with a plan to mitigate the cost & labor required regarding our gardening concerns. I applied simple principle I learned in permaculture and square foot gardening. This require lots of patience that is worth investing.
1. Location.
On selecting location we should consider the following.
π Syempre kung sementado or mabato ang buong area gagamit tayo ng containers para sa ating pagtatanim.
π Kapag meron naman tayong magandang lupa pwede din namang i-combine sya with container gardening or plant directly to the soil.
π With at least 6-8 hours of sunlight.
π May malapit na access sa malinis na tubig.
Example. It is one of my project when I was in Sanctuario Nature Farms.
2. Choose container to be used.
You may actually use anything that could hold soil. Imagination lang natin ang limit.
Important Reminders
a. Kung mag recycle ka ng container dapat hindi harmful chemical ang dating laman ng container na yun. Mas maganda kung food grade ang container para less worry.
b. Drainage. Usually nasa bottom ang drainage pero mas advantageous kapag ilalagay sa gilid ang drainage lalo na kung pet bottles ang gamit at malalaking containers. Usually 1/4 inch to 1 inch depende sa laki ng container. This will keep extra water para di matuyuan ang soil kahit di agad makapagdilig lalo na kapag summer.
![]() |
| Old metal drum cut into half. Kung mapapansin din ninyo instead na sa bottom ang drainage nilagay ko sa gilid since malaki itong container na ito. |
![]() |
| Box made of wood. Nag punch pa ng holes sa bottom nito for drainage. |
![]() |
| Box made of wood pero wala ng plywood sa bottom. So hindi na problem ang drainage. Ipapatong nalang ito sa lupa or semento. |
![]() |
| Recycle tarpaulins. |
![]() |
| Pet bottles |
Next step is.....

Number 1 common headaches on starting container gardening is pricey garden soil & fertilizer. I experienced this long time ago, when I was working on a project in Manila. Medyo na-stretch ang budget namin dahil kailangan naming bilhin ang garden soil.
At syempre ang isa sa ating key to success ay "Starting with nutrient rich soil". Ito ang ating pagtutuunan ng pansin dito sa "Thoughtful Gardening".
π Anong klase ng lupa ang gagamitin?
π Saan kukuha ng lupa?
π Anong gagawin para makatipid sa pagbili ng garden soil?
π Anong fertilizer ang dapat gamitin?
Healthy soil is the foundation of healthy plants and bountiful harvest. Except, syempre kung hydroponics or aquaponics ang gusto mo, ibang usapan yun. Ang paraan na ito ay para sa mga gumagamit ng soil sa kanilang pagtatanim.
Nakuha ko po itong idea na ito, after kong bumisita sa KAI Farms sa Silang nung 2017. Ginagawa nila ang chop & drop method sa buong farm nila to slowly build healthy top soil sa buong area. So, instead na iderecho sa lupa, why not ilagay nalang muna sa container para kaunting garden soil nalang na kailanganin. Ang mga compost na ito ay eventually magiging lupa at maging pataba narin sa halaman.
Nakuha ko po itong idea na ito, after kong bumisita sa KAI Farms sa Silang nung 2017. Ginagawa nila ang chop & drop method sa buong farm nila to slowly build healthy top soil sa buong area. So, instead na iderecho sa lupa, why not ilagay nalang muna sa container para kaunting garden soil nalang na kailanganin. Ang mga compost na ito ay eventually magiging lupa at maging pataba narin sa halaman.
![]() |
| With Nay Ched & Tay Henry, Ms. Amena and the Earthkeepers of KAI Farms (March 2017) |
Patiently
building soil requires the following.
COMMON SITUATION NO. 1- Nakahiwalay ang composting area or composting bin sa kung saan ka nagtatanim.
πkapag ganito ang situation hiwalay mong iisipin ang pag-maintain at pag-harvest ng compost mo. Actually maganda din ang set-up na ito para makaharvest ka ng compost para sa ibang container na maliliit.
Narito ang paraan.
Reminder, ang paraan po na ito ay pwede nyo pong i-combine sa inyong nakagawian na.
Para po ito sa mga "no greenthumb" pero gusto "mag-chilax" lang sa mga steps ng gardening.
COMMON SITUATION NO. 1- Nakahiwalay ang composting area or composting bin sa kung saan ka nagtatanim.
![]() |
| Hiwalay na composting bin at plant boxes with BFF Ycar |
Pero paano kung pwede mo namang pagsabayin ang pag-compost at pagtatanim?
Narito ang paraan.
![]() |
| With my friends Harrah, Joy, Rachel & Chenlee (left to right) |
π Gather all biodegradable around your area.
Examples:
πBunot (coco husk)
π sawdust (Yung walang chemical treatment)
π sawdust (Yung walang chemical treatment)
π Sanga ng mga punong kahoy
πDried leaves
πfresh leaves
πCard board (karton)
π Reject fruits & vegetables in public market
π Fruits & vegetable scraps from your kitchen
π eggshells, tahong shells & talaba shells
π Wag po nating isama dito ang mga food leftovers kasi mag attract lang ito ng madaming langgam at daga π. Separate natin ang composting bin ng mga ito.
π Wag po nating isama dito ang mga food leftovers kasi mag attract lang ito ng madaming langgam at daga π. Separate natin ang composting bin ng mga ito.
Para sa pinaka-ilalim....
π Maglatag ng isang layer ng bunot or mga sanga ng kahoy sa iyong plant boxes. Matagal kasi ma- decompose ang mga ito kaya magandang nasa pinaka ilalim sya. Isa pa kapag kumatas ang mga fresh na materials na ihahalo nyo, dito mag-iimbak ang mga liquid na iyon.
πKung wala kang makuhang bunot o sanga ng kahoy pwede namang gumamit ng mga tuyong dahon. At least 2 inches ang kapal.
Next Step...
Composting Phase. Tandaan ang by volume ratio na 2:1 at 1:1
Para sa gustong mag-chilax lang muna at medyo busy pa at wala ka pang balak gamitin ang container para taniman, mag-start ka muna sa composting phase. Gamitin ang ratio & proportion ng sumusunod.
πKada 2 parts by volume ng dry materials (ex. dried leaves) maghalo ng 1 part na fresh materials (ex. fresh leaves, fruit & vegetables peelings or iba pang reject na prutas at gulay). Pero kung meron kang processed animal manure (except dogs & cats) maari mo rin itong gamitin (1 part lang din).
π Kung sawdust naman ang iyong dry materials gamitin 1 part sawdust and 1 part fresh leaves, fruit & vegetables peelings or iba pang reject na prutas at gulay (1:1 na ratio) para mabilis mabulok ang ingredients ng iyong compost.
π Ilagay ang mga materials sa container ng layer by layer kahit di na i-mix. Pero kung gusto mo din i-mix no problem pwede din naman.
πSiksikin para mas marami kang mailagay na compost.
π Diligan. Para mag-umpisa na ang decomposition process. Ang isa sa 24/7 workers natin dito ay ang mga beneficial microorganisms kaya wag po natin silang uhawin. Kahit every 3 days ka lang mag-dilig kapag mainit. Ok lang din kung maulanan ang iyong compost. Maganda nga yun hindi mo na alalahanin ang pagdidilig.
πMaganda din pong dito nyo nalang idilig ang pinaghugasan ng bigas. Pwede din ang panis na gatas basta haluan lang ng madaming tubig bago idilig sa compost.
π Kung gusto mo mag add ng mga liquid concoctions pwede din para mapadali ang decomposition process.
π Expect na mag decrease of ito katagalan. Sign na nag work na ang macro & microorganisms na tumutulong para mabulok ito. Kaya expect mo din na tuloy-tuloy dapat ang paglalagay mo ng composting materials.
π Ulit-ulitin lang ang process hanggang mag-decide na gusto mo ng gamitin ang iyong naipon na compost.
π Ang cardboard ay ilalagay lang kapag matatanim ka na or kung gusto mo lang talaga lagyan ng cover at marami ka naman talagang cardboard.π
π Bakit kailangan pa ng composting phase?
π Kasi po ito ay parang investment mo. At gaya ng mga investment hindi instant ang result nito. It will take time. Ang lahat ng iipunin mo na compost dito ay dadaan pa sa mahaba at complicated na proseso na kayang ipaliwanag saatin ng science. Kaya umpisahan na agad. Kada magluluto ka gulay at magbabalat ng prutas dito mo na ilagay sa compost binsmo kesa itapon mo lang kung saan. Kada magsasaing ka dito mo na itapon ang hugas bigas.
π Personally, months ang binilang ko bago mag start magtanim sa mga container na ito. Pero may mga container din na nainip ako, kaya within 1 month nagtanim na agad ako.π
π Paano naman kung excited kana magtanim at ayaw mo ng dumaan sa mahabang composting phase?
π No problem pwede din yun.
Hasty Composting. Tandaan ang by volume ratio na 3:1 or 4:1
π Maglagay ka parin ng base (bunot, branches ng kahoy or dried na dahon).
Hasty Composting. Tandaan ang by volume ratio na 3:1 or 4:1
π Maglagay ka parin ng base (bunot, branches ng kahoy or dried na dahon).
π Mag-layer ng 3 to 4parts by volume ng dry materials (ex. dried leaves) at 1 part greens (ex. fresh leaves, fruit & vegetables peelings or iba pang reject na prutas at gulay).
π Ulit-ulitin ang pag layer ng compost hanggang sa mapuno mo ang 3/4 ng container.
π Diligan at takpan ng cardboard.
π Maglagay ng potting medium.
π Maglagay ng potting medium.
π Maghintay ng 2 weeks bago magtanim.
π Bakit magkaiba ang ratio ng brown at green materials kapag chillax lang at kapag excited na magtanim?
π Dahil sa carbon : nitrogen (C:N) Ratio. Kapag mababa ang C:N ratio mas mabilis mabulok. Iba-iba ang C:N ratio ng bawat materials na gagamitin natin. May computation din para bumaba sa 25:1 to 30:1 ang ratio.
π Wag po tayong magpanic sa technical term na C:N Ratio at computation. Sa layman's term at sa actual field practice ng karamihan ng mga farmers ratio (by volume) ng dry at fresh ingredients nalang ang binabasehan.
π Mas mabilis uminit ang ratio na 2:1 pero mas mabilis din sya mabulok. Kaya lang di sa agad pede taniman kasi nga mainit pa. Baka malusaw lang ang ugat ng halaman.
π Hindi masyadong mainit kapag 3 to 4:1 na ratio ang gagamitin. Kaya lang matagal din mabulok ang compost. Kapag itong ratio na ito ang ginamit mo sa container gardening pero ang goal mo ay mag-build parin ng healthy soil, dapat sabayan mo ito ng organic mulching para hindi na or kaunting potting mix nalang idadagdag mo sa next planting season.
π Ang ratio ng organic mulching na ilalagay mo ay 3 to 4 parts brown to 1 part green ingredients. Manipis na layer lang weekly para hindi masyadong mainit ang mulching during decomposition at hindi affected ang newly transplant na vegetable & herbs.
π Wag po tayong magpanic sa technical term na C:N Ratio at computation. Sa layman's term at sa actual field practice ng karamihan ng mga farmers ratio (by volume) ng dry at fresh ingredients nalang ang binabasehan.
π Mas mabilis uminit ang ratio na 2:1 pero mas mabilis din sya mabulok. Kaya lang di sa agad pede taniman kasi nga mainit pa. Baka malusaw lang ang ugat ng halaman.
π Hindi masyadong mainit kapag 3 to 4:1 na ratio ang gagamitin. Kaya lang matagal din mabulok ang compost. Kapag itong ratio na ito ang ginamit mo sa container gardening pero ang goal mo ay mag-build parin ng healthy soil, dapat sabayan mo ito ng organic mulching para hindi na or kaunting potting mix nalang idadagdag mo sa next planting season.
π Ang ratio ng organic mulching na ilalagay mo ay 3 to 4 parts brown to 1 part green ingredients. Manipis na layer lang weekly para hindi masyadong mainit ang mulching during decomposition at hindi affected ang newly transplant na vegetable & herbs.
To be continued...... π
Abangan ang Thoughtful Gardening Part 2.
πPotting Medium
πFertilizationπWeeds, Pest & Disease Management






















Thank you for thevinformation. It helps a lot π
ReplyDeleteThank u for this article. Awaiting part 2.
ReplyDeleteGood day! I really appreciate your interest. You may now visit part 2 at https://pursuitofhavingthegreenthumb.blogspot.com/2020/05/thoughtful-gardening-p2-taglish.html
DeleteThank you :)