Part 2: Cooperating with Nature
 |
| Composting Phase |
In "Thoughtful Gardening" our goal is to efficiently manage our time and reduce the cost of our production. Kaya para mangyari yun, kailangan natin makipag-cooperate sa ating nature at maging creative sa kung ano mang available sa ating lugar.
Part 1:Investing in Soil for Tomorrow
Sa pagpapatuloy ng ating "Thoughtful Gardening"...
π TIME FOR PLANTING NA!
Ang last na step na ginawa natin sa ating composting phase ay paglalagay ng cardboard. Makakatulong ang paglalagay nito para hindi kaagad sumibol ng mga weeds. Although optional po ito. Pede ka namang mag-start na agad kahit hindi kana maglagay ng cardboard na partition.
POTTING MEDIUM
Dahil hindi pa ready ang compost sa containers, maari muna tayong mag mix ng potting medium para makapagtanim na. This time, kahit malaki ang container mo, hindi mo kailangan ng madaming potting medium lupa para palakihin ang vegetables & herbs na gusto mo. Enough na ang 12-15 inches thick na potting mix para sa 1-2 cycle ng vegetables na gusto palakihin.
Maari mong haluan ang ordinaryong lupa ng iba pang ingredients to improve it more and to make it more favorable for plant growth for long period of time. Just make sure that it has these 3 important characteristics.
1. With good water holding capacity para hindi madaling matuyuan ang halaman lalo na pag tag-araw. Example: garden soil & processed coco coir dust
2. Porous. Dapat madaling ma-drain ang any excess na tubig para hindi malunod ang halaman saka para nakakahinga din ng maayos ang ugat. Example:. carbonized rice hull (CRH), buhangin
πKung buhangin pang-construction ang ihahalo mo, dapat mahugasan muna ito ng mabuti.
3. With nutrients para may magamit agad ang halaman sa kanyang paglaki. Example: compost, vermicast, processed animal manure (PAM)
PAALALA: I-prepare ang potting medium 5-7 days bago maglipat tanim (transplant) para ma-process na ng mga beneficial microbes ang organic fertilizer na hinalo mo dito. Ang paglalagay ng ibat-ibang concoctions gaya ng sumusunod ay optional lamang.
π vermitea
π vermiwash
π IMO (Indigenous Microorganism)
π LABS (Lactic Acid Bacteria Serum)
π JMS (Jadam Microbial Solution)
π EMAS (EM Activated Solution) & EM-5
π OHN (Oriental Herbal Nutrient)
π FAA (Fish Amino Acid)
π FPJ (Fermented Plant Juice)
π FFJ (Fermented Fruit Juice)
π Calphos
From my experience and experience ng ibang farmer na nakasama ko narito ang summary ng iba't-ibang mixture na aming ginagamit kapag kami ay maglilipat na ng pananim sa aming mga container (transplanting stage).
OPTION 1: Mixture na ginagamit kapag buhaghag na ang available na lupa
(by volume)
π1 part garden soil + 1 part na compost or vermicast
OPTION 2: Ginagamit kapag medyo malagkit ang lupa (clayey) lalo na kapag nababasa dapat magdagdag tayo ng ingredients na makakapag-buhaghag ng ating lupa.
(by volume)
π1 part garden soil + 1 part CRH + 1 part compost or vermicast
π1 part garden soil + 1/2 part buhangin + 1 part compost or vermicast
π1 part garden soil + 2 parts compost or vermicast
OPTION 3: Kapag mabuhangin or sobrang buhaghag ng lupa na available dapat dagdagan natin ang ingredients that will hold water especially during summer.
(by volume)
π1 part soil + 2 parts compost or vermicast
π1 part soil + 1 part coco coir dust + 1 part compost or vermicast.
OPTION 4: Kapag gusto mong mag soilless potting media
(by volume)
5 parts coco coir dust + 2 parts CRH + 3 parts compost or vermicast
5 parts coco coir dust + 3 parts CRH + 2 parts processed animal manure
OPTION 5: Bumili nalang ng readily available na potting medium.π
Kaunting paalala para po sa mga kagaya kong No Green thumb.
Nag-iiba iba po ang mixture base sa type of soil na available sainyong lugar at iba pang additional ingredients or materials na pwede mong mabili at ihalo para mas mapaganda pa ang potting medium.
Sa experience po namin ito yung mga mixture na maganda ang naging resulta. Pero pwede parin po tayong mag-experiment ng mixture don't worry. As long as natatandaan po natin ang 3 katangian na dapat meron ang ating potting medium masisigurado kong mabubuhay ang ililipat nating mga pananim.
πWag po tayong gumamit ng lupa galing sa tambakan ng basura dahil baka may mga chemical at harmful microbes na makasama para sa ating halaman at maging sa mga kakain ng gulay na tinanim dito.
π
Ano pa ba ang pwede nating idagdag sa mga malalaki nating container para masulit natin ang space at time na gugugulin natin dito?
π REMOVABLE COMPOSTING BIN
Preferably, mga pinag-balatan ng gulay at prutas, maging mga damong mabubunot mo sa loob at labas ng container ang magandang gamitin sa removable compost bin na ito. Ang kagandahan pa nito ay sa tuwing didiligan mo ang gulay na iyong pinapalaki, maari mong isabay sa pagdilig ang iyong compost. Ang katas ng compost (compost tea) ay lalabas mula sa maliliit na butas ng pet bottle at hahalo sa lupa. Ang katas na ito ay magsisilbing pataba narin sa iyong mga halaman. Dahil dito hindi mo na kailangan mag supplement ng additional liquid fertilizer sa mga tanim unless may napasin kayong nutrient deficiency. Ilagay ang removable composting bin bago mag transplant. Maganda din kung may takip ito para hindi kalkalin ng pusa, aso or puntahan ng daga.
 |
| This box measures 1m x 1m. |
π Ang removable compost bin na ito a gawa sa 7 liter pet bottle at 6 liter pet bottle. Pareho silang may maliliit na butas sa gilid at ilalim. Maliit na butas lang para hindi humalo ang solid compost material sa lupa at lumabas lamang ang katas ng kitchen waste sa tuwing didiligan mo ito.
π Lagyan ng tali ang 6 liter pet bottle para madaling ma-harvest ang compost.
π Ang 7 liter pet bottle naman ay mananatili lang na nakabaon sa lupa para hindi gumuho ang lupa sa paligid nito sa tuwing mag-harvest ka ng compost at mabilis mong maibabalik ulit ang maliit na pet bottle.
π Ang paghahalo ng bokashi sa kitchen waste ay optional. Nakakatulong din kasi ang bokashi para mabilis mabulok ang mga kitchen waste plus meron din itong taglay na beneficial microbes na makakatulong sa paglaki ng halaman.
π Kapag walang bokashi pwede mong gamitin ang alin man sa 2 ito.
A) Magbabad ng papel sa diluted LABS or EMAS. Ang dilution ay 1-2 tablespoon of LABS or EMAS per 1 liter of water. Ilagay ang papel na nababad sa kitchen waste mo araw-araw.
B) Kung sawdust ang gusto mong gamitin, i-ferment mo ito sa diluted LABS or EMAS (1-2 tablespoon of LABS or EMAS per 1 liter of water). Basain lamang ang sawdust ng diluted EMAS at hayaan ito sa loob ng 3 araw. Ito ang ihalo sa kitchen waste.
π Kapag napuno na ito, maghintay lamang ng 3-4 weeks para tuluyan itong mabulok. Walang problema kahit isabay sa dilig, araw-araw. Hindi rin makaka-apekto ang init ng compost na ito sa iyong tanim dahil maliit lamang ang compost bin at araw-araw mo ring maisasama sa pagdidilig.
πChop into small pieces ang mga ilalagay mong kitchen waste dito para masa mabilis mabulok.
PAALALA:
Kapag may tanim na ang container iwasang maglagay ng sumusunod sa compost bin na ito.
πNapanis na pagkain. Maari kasing magkaroon ng contamination at kumapit ang mga bad bacteria sa iha-harvest mong produce. Plus, it will also attract ants.
π Dumi ng aso at pusa.
π Buto ng karne dahil hindi naman ito agad mabubulok. Gamitin mo nalang itong ingredients sa Calphos.
COMMON SITUATION NO. 2-
Nakakainip na pagdidilig sa mga malalim na planting containers lalo na kung hose ang gamit mo. Tapos mapapansin mo nalang na mabilis malanta ang halaman dahil mababaw na parte lupa lang ang nabasa.
Importance of watering the plants
- Ito ang nag-transport ng nutrients sa iba't-ibang parte ng halaman.
- Kapag sobra o kulang ang dilig mo madaling dapuan ng peste o sakit ang iyong halaman.
- Nakakatulong din upang malabanan ng halaman ang sobrang init ng kapaligiran. Ang sobrang init ay kadalasang naging cause ng paglaglag ng bunga or bulaklak.
π As solution maari tayong magbaon ng PVC or pet bottles na may mga maliliit na butas sa tagiliran. Para dito natin padadaanin ang tubig at masiguradong mababasa ang lupa mula gitna hanggang sa ilalim.
Water your plants daily lalo na kapag sobrang init. Magagandang pandilig din ang hugas bigas.
PAGLILIPAT NG TANIM (TRANSPLANTING)

Malalaman mong ready for transplanting na ang inyong seedling (punla) base sa sumusunod.
π Days from sowing
π Number of true leaves
Crops
|
Days after Sowing (DAT)
|
Watermelon,
Honeydew melon, Musk melon, Ampalaya, Cucumber, Squash, Upo, Patola, Okra, Corn, Sitao, French beans, soybeans, snap beans
|
10-15 days
|
Tomato,
Eggplant, Pepper
|
21-25
days
|
Cabbage,
Broccoli, Cauliflower
|
20-25 days
|
Lettuce, Pechay,
Mustard, Kale
|
14-21
days
|
Radish ,Carrots, Upland Kangkong
|
Direct Sowing
|
π Para sa corn, okra, upo, patola, kalabasa at mga beans gaya ng french beans, soybeans, snap beans at sitao dahil hindi naman maselan ang mga buto na ito, maari din itong i-derecho na sa container kung saan mo ito palalakihin at pabubungahin.
π Kung sakali namang makalimutan mo ang bilang ng araw, abangan nalang na magkaroon ng 2-4 true leaves ang inyong punla bago ito ilipat sa container kung saan mo ito palalakihin at pabubungahin. Usually late in the afternoon ginagawa ang transplanting para maiwasan ang seedling stress lalo na kapag mainit ang maghapon. Maari ka rin maglipat tanim kung makulimlim (cloudy) ang buong maghapon.
How to transplant?
Para sa maliliit na container maaring magtanim ng leafy vegetables or herbs.
 |
| KSK Season Long Training for High Value Vegetable Farming in Urban Areas-Project Output (Metro Manila, 2015) |
 |
| Project output of Gulayan sa Tahanan; Malusog na Hapagkainan at Sanctuario Nature Farms, Indang, Cavite |
 |
| Project output of "Colore-TEA" Workshop: Grow your own Herbs & Spices at Sanctuario Nature Farms, Indang, Cavite |
π
Para sa ating pet bottles ang tinanim naman natin ay mga herbs na pwedeng gawing pang tea (tsaa). Except coleus. Nagtanim lang ako ng coleus sa gilid for aesthetic purposes only. Pagdating sa ating mga herbs dapat weekly nagbabawas ng leaves para bumagal ang pag- mature nya at matagal mo syang mapakinabangan.
REMINDER: Wag punuin ng sagad ang inyong mga pet bottle container. Maglagay ng kaunting allowance para pwede kang magdagdag ng organic fertilizer once a month.
π
This is another way to use styro boxes. Pwedeng styro boxes ang gamitin pang harang para makagawa ng plot, instead na hollow blocks. Matataniman nyo na ng herbs at leafy vegetables ang loob ng mga styro boxes at makakatanim din ng iba pang klase ng gulay sa plot.
 |
Companion Planting and Intercropping of Ampalaya & Kangkong
This output was part of KSK Season Long Training for High Value Vegetable Farming in Urban Areas by Harbest Agribusiness Corp. & SM Foundation at Sta. Ana Elementary School, Manila. (2015) |
π
To maximize space pwedeng magtanim ng viney crop sa gitna like ampalaya, upo, patola, cucumber or sayote. Kailangan mo lang mag vine training. Ang vine training ginagawa once or twice a week. Ito ay pag- guide sa mga vines kung saan mo sila gustong pagapangin. To maximize extra space, pwede ka pang magtanim ng mga crops na may short life cycle gaya ng leafy vegetables and radish.
 |
| KSK Training Output at Sta. Ana, Manila. |
Combination of Styro boxes & pet bottle arrangement. Medyo shaded ang area na ito kaya mga leafy vegetables muna ang tinanim natin dito.
 |
| Project output of "Colore-TEA" Workshop: Grow your own Herbs & Spices at Sanctuario Nature Farms, Indang, Cavite |
π
To maximize the space of this half drum container, naglagay tayo ng butas sa gilid para makapag-tanim ng iba't- ibang klaseng herbs while waiting for this hot pepper (sili) to grow. Ginamit ko ang sili and herbs for cooking & ingredients sa aking pesticide na OHN. Pwede ding pang refreshment or tea ang mga herbs na napili kong itanim sa drum na ito.
π Yung pipe na puti sa gitna ay nakakatulong para mapadali ang watering to make sure na mabasa ang lupa sa middle part ng drum. Pwede ding maglagay dito ng composting materials like balat ng gulay at prutas para mabubulok, kumatas at ang magiging pataba sa mga halaman.
π ANO ANG COMPANION PLANTING & INTERCROPPING?
Kung mapapansin nyo madalas na hindi lang iisang klase ng gulay at herbs ang nakatanim sa mga malalaki or malalapad na lagayan. Mixture ito ng iba't- ibang klaseng gulay o kaya naman ay herbs or edible flower. Ang paraan na ito ay tinatawag nating companion planting. Ito ay pagtatanim ng mga halamang may beneficial effect sa isa't-isa. Kadalasang ginagawa ang companion planting para makatipid ng space at mag-attract tayo ng beneficial insect sa garden and repel harmful insect na posibleng sumira sa ating tanim. Marami ng research about the benefits & effects of companion plants on different crops. I will discuss more examples sa mga susunod kong post.
Ang iba't-ibang klase ng herbs & flower ang ilan sa pinaka-mabisang pang companion crop sa ating mga common vegetables.
 |
| Gulayan sa Tahanan: Malusog na Hapagkainan Project at Sanctuario Nature Farms |
Ang intercropping ay pagtatanim ng 2 o higit pang crop ng magkasabay sa isang area.
πSa banyera (tub) na ito meron tayong one bell pepper as main crop natin.
πThen we also intercrop it with spearmint and chives that repels aphids, a common insect pest on bell pepper and lettuce. While the scent of parsley and thyme attracts pollinators.
πThis maximizes the whole planting space sa loob ng banyera. Dahil malapit ang kanilang spacing nababawasan din ang damo na posibleng dumami sa taniman na ito.
πNaka 2 cycle din tayo ng lettuce. Aabutin ng 3 months bago magbunga ang bellpepper from transplant at aabutin lang ng 25-30 days from transplant ang lettuce before harvest, kaya nakatanim pa tayo ng 2 beses ng lettuce bago tuluyang mag bulaklak at magbunga ang bell pepper.
πContinuous lang ang pagharvest ng mint leaves at chives para sainyong pagluluto or paggawa ng concoctions.
π Sa harvest ng lettuce putulin lang ito ng sagad sa lupa at huwag bunutin para hindi ma-disturb mo ang ugat ng bell pepper na posibleng maging dahilan ng pagkalaglag ng mga bulaklak nito.
πMAGLAY NG MULCH. Para Madagdagan ang nutrition ng lupa at hindi tumubo ang damo. Sa "Thoughtful Gardening" ang paglalagay ng mulch ang isa sa pinaka-importanteng hakbang para makamit mo ang isa sa mga goal na kaunting lupa lamang ang bilhin. Ang mga mulch na gawa sa organic materials ay hahalo na sa lupa kalauanan. Kapag may tanim na manipis na mulch lang ang ilagay para hindi uminit ang nabubulok na composting materials. Tandaan, na kung manipis, maliit at malambot ang organic materials na inilagay mo dito mas mabilis itong mabulok. Kaya sana sipagin po tayong magtadtad or mag-gupit ng ating composting materials.
Things to consider when intercropping
π Mas maganda kung companion plants na kaagad ang pagtatabihin to minimize insect pest damage.
π Make sure that each crop receives ample amount of sunlight it deserves. Proper planting distance is required. Kapag madaming bagay ang magbibigay ng shade sayong mga tanim, carefully plan where you will put each crop. Lalo na yung kailangan ng trellis at lumalaki at tumatangkad na crop gaya ng talong, okra at kamatis.
 |
| Gulayan sa Tahanan: Malusog na Hapagkainan Project at Sanctuario Nature Farms |
 |
Intercroping of amaplaya, kangkong and chinese kale This output was part of KSK Season Long Training for High Value Vegetable Farming in Urban Areas by Harbest Agribusiness Corp. & SM Foundation at Sta. Ana Elementary School, Manila. (2015) |
πIntercropping ng ampalaya, kangkong, and chinese kale. May 50-60 days ang hihintayin bago tuluyang lumago ang mga vines (baging) ng amaplaya, kaya isinabay sa pagtanim ang kangkong na 25-30 days lang from sowing maari ng maka-harvest. Makaka-dalawang beses ang pag-harvest ng kankong sa set-up na ito. Sa unang harvest kailangan lang putulin ang sanga 2 inches above the ground para tumubo pa uli ito. Paglipas ng 25-30 days uli, maari ng gupitin ng sagad ang kangkong. Hindi pwedeng bunutin sapagkat maaring ma-damage ang ugat ng ampalaya.
π Life span of each crop. Para sa maliit na space gaya ng banyera na ito, magandang combination ang crop na matagal bago mamunga at lumalaki gaya ng talong, okra, sili at ang crop na makaka-harvest tayo kaagad in short period of time like leafy vegetables & radish.
π Consider the growth habit/ pattern of each crop.
π Viney plants- Kailangan ng trellis. Install trellis before transplant to avoid damaging the crop.
π Bushy at mabigat ang bunga- lagyan ng stick para maalalayan ang halaman.
π Gaano kalaki pag full grown? Imporante ito to avoid shading.
Example:
πLumalapad at lumalaki ang dahon ng toscan kale pero pwede itong itabi sa mga halaman na gaya ng chives at spring onion na patusok at maninipis ang mga dahon. Ang kagandahan pa nito nag repel ng aphids at iba pang worm ang amoy ng chives or spring onion.
π Zucchini, chives, and peppermint. Dahil mas lumalaki ang dahon ng zucchini, chives & spearmint ang kanyang kasama sa isang container. Ang puti na nakikita nyo na nasa banyera ay mga eggshells for mulching. Nakakatulong ang pag-mulching ng eggshells and CRH para hindi atakihin ng snails ang slugs ang tanim.
π
Sa example naman na ito, chives ang main crop for propagation kaya short term crop like lettuce ang tinanim kasabay nya. Ang kamantigue flower ay edible flower na pwedeng ihalo sa salad. Ang leaves, stem & roots ng flower na ito ay pwdeng gamitin sa concoction na OHN at FPJ dahil may fungicidal property ang extract nito.
IBA PANG PARAAN PARA MAKAIWAS SA SAKIT AT PESTE ANG IYONG MGA TANIM
Walang nag-iisang formula o produkto ang makakalutas sa problema natin sa garden lalo na pagdating sa pest & disease. Bukod sa companion planting and intercropping, narito ang ilan sa pinagsama-samang paraan para mabawasan at makaiwas sa pagdami ng peste at sakit sa ating garden.
- Regular monitoring sa garden para maagapan ang paglala ng sakit o pagdami ng peste.
- Kapag nagtanggal o nag-gupit ka ng halamang may sakit, wag ihalo na mulching or compost. Maaring mag survive ang disease sa compost at mailipat ito sa ibang healthy crop.
- Crop Rotation. Ito ay pagtatanim ng ibang crop mula sa ibang pamilya upang maputol ang cycle ng pest & disease.
- Ang sobra o kulang na dilig ay magiging dahilan ng pagka-stress ng halaman at pagdami ng peste at sakit sa garden. Dahil nadi-develop ang disease at nag-attract ng pest ang stressed na halaman.
- Balance Nutrition. Continuous lang tayo mag side dress ng organic fertilizer, mulching of organic matter and kung kinakailangan drenching ng mga concoctions.
- Install yellow sticky trap in your the garden. Isa pa sa mga paraan para mabawasan ang insect pest sainyong garden ay ang paglalagay ng yellow sticky trap. Attracted ang most insect sa yellow color kaya epektibo itong trapper ng mga harmful insect.
This is it for now!
I hope marami kayong napulot na kaalaman.
If you questions and clarifications, please feel free to comment below or send me an email at chellangel16.nogreenthumb@gmail.com π