LIQUID CONCOCTIONS FOR PLANTS & FARM ANIMALS
(FERMENTED PLANT JUICE (FPJ) & FERMENTED FRUIT JUICE (FFJ))
This are the 2 common liquid fertilizers we use if we wanted to give additional supplements for the vegetable we grow and farm animals we raise. I also learn this from other farmers that is why I will also share it to you.
I wrote a "Taglish version" so that many Filipino could appreciate it it more.
I hope you do it in your home & apply it to your garden or farm.
I hope you do it in your home & apply it to your garden or farm.
FERMENTED PLANT JUICE
Ito ay tinatawag din na Natural Growth
Enhancer. Maari din maging insect
pest repellant kapag ang ginamit ay mga
halamang may amoy gaya ng iba’t
klaseng herbs o bulaklak ng marigold, lantana
atbp.
a.
Para sa halaman- ito ay pinagkukunan din ng Nitrogen (N) na
kailangan sa paglaki at paglago ng halaman.
b.
Para sa alagang hayop- ito ang kanilang natural growth enhancer na
hinahalo sa pagkain at inumin.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAG-KOLEKTA NG MGA
SANGKAP PARA SA FPJ
1.
Ang
pangunahing sangkap sa pag-gawa ng FPJ ay mga talbos ng mga halamang madaling
padamihin at mabilis na lumaki. Mag-halo ng 3 klase o higit pa sa pag-gawang
FPJ.
2.
Ang
mga halaman na mayaman sa Nitrogen gaya ng kakawate, ipil-ipil, mani-mani
at malunggay ay maganda din gamitin sa
pag-gawa ng FPJ.
3.
Ang
pag-gamit ng herbs at medicinal plants ay nakakatulong din upang ma-protektahan
ang halaman dahil ang amoy nito ay nagtataboy ng mapaminsalang insekto. Ang mga
sumusunod ay mga uri ng halaman na maaring gamitin.
·
talbos
ng kamote
·
alugbati
·
kangkong
·
Suhi
(sucker) ng saging
·
Bamboo
shoots (Labong)
·
Medicinal
plants (Oregano, lagundi, mayana, damong maria, gynura etc.)
·
Herbs
(mint, tarragon, stevia, chives, coriander, parsley etc.)
4.
Ang
pagkolekta ng mga raw materials na ito at dapat gawin sa umaga kung saan hindi
pa kainitan ng sikat ng araw. Ang katas at langis na kailangan nating makuha
mula sa mga halamang ito ay di pa naipapawis ng halaman.
5.
Iwasang
mangolekta pag-katapos ng malakas na ulan sapagkat maaring naalis na sa katawan
ng halaman ang maraming beneficial microorgansims at mas kaunti na ang
nutrisyon na meron ito.
6.
Kumuha
ng talbos o mga batang dahon ng mga halamang nabanggit sapagkat active sa
parting ito ang mga hormones at bio-active substance na kailangan natin
makuha.
7.
Ang
FPJ na gawa sa halaman kung saan mo ididilig o spray ang FPJ ay mas magandang
gamitin.
Halimbawa
· Talbos ng Kamatis FPJ- gagamitin din sa taniim na kamatis
·
Talbos ng amapalaya FPJ- gagamtin din sa ampalaya
8.
Siguraduhing
walang sakit ang mga dahon na gagamitin upang hindi ito makahawa sa ibang
halaman. Ngunit maaring gamitin ang mga dahon na may kagat ng insekto.
Mga Sangkap
|
Tools
|
2 kg
ng talbos o batang dahon ng mga halaman
1 kg
molasses
|
Chopping board
Kutsilyo
Timba
Manila paper
Sandok Panghalo
Garter or Rubber band or string
Bato
Masking tape
Marker
Salaan (strainer)
Imbudo (Funnel)
Plastic bottle
PPE
|
PARAAN
NG PAG-GAWA
1. Hugasan ang mga talbos ng halaman.
2. Patuluin muna ng mga 3-5 minuto.
3. Hiwain o tadatarin ito. Ang laki at haba at hindi na dapat mas lumaki pa sa 1 inches.
4. Pagkatapos hiwain, ilagay ito sa timba at haluan ng 1 kilo molasses.
5. Haluing mabuti gamit ang sandok upang ang lahat ng dahon ay malagyan ng molasses.
6. Punasan ang bibig ng timba at lagyan ito ng takip na manila paper.
7. Hayaan itong maburo sa loob ng 7-14 na araw.
8. Lagyan ng label na nakasulat ang sumusunod:
a. Pangalan ng Concoction: FPJ
b. Date of Production (DOP):
c. Date of Harvest (DOH):

9. Pagkalipas ng 7-14 araw, maari ng itong anihin.
10. Ilagay sa salaan (strainer), ihiwalay ang sapal at pigaan ito.
11. Ilagay ang katas sa malinis na plastic bottle.
12. Lagyan ng label na nakasulat ang sumusunod:
a. Pangalan ng Concoction: FPJ
b. Date of Production (DOP):
c. Hanggang kailan pwedeng gamitin.
Ang sapal ay maaring ipakain sa manok o kaya ay ihalo sa compost.
Kung minsan po bago ko tuluyang ihalo sa compost o pakain ng alagang hayop ang mga sapal. Ibinababad ko pa po ito sa tubig tapos yung katas na humalo sa tubig ginagamit ko pandilig sa halaman.
PAG-GAMIT π Ginagamit pang-halo sa pakain ng alagang hayop na pinang-gagalingan ng bitamina.
π Maghalo lang ng 2 kutsarang FPJ sa 1 litrong tubig inumin ng alagang hayop.
π Ginagamit ito pang-drenching sa lupa o foliar spray sa halaman (1 litrong FPJ sa 1 drum na tubig kapag drenching o 300ml kada 16 liters kapag foliar). Kung gagamitin ito sa foliar ng halaman mag spray sa hapon. π Maari din ito gamitin sa pag prepare ng lupa bago magtanim. Ihalo lang ang 1 litrong FFJ sa 1 drum na tubig at idilig ito pagkatapos mag lagay na organic basal fertilizer at organic mulching.
πGinagamit ito pang-pabilis ng pagkabulok ng compost. (1 litrong FPJ sa 50 liters na tubig)

FERMENTED FRUIT JUICE
a.
Para sa halaman- ito ay pinagkukunan din ng Potassium (K) na
kailangan sa pamumulaklak at pagbuo ng bunga.
b.
Para sa alagang hayop- ito ang kanilang natural taste enhancer na
hinahalo sa pagkain at inumin.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAG-KOLEKTA NG MGA
SANGKAP PARA SA FFJ
1.
Maaring
maghalo ng 2 o higit pa na klase ng prutas.
2.
Ang
prutas na dapat piliin para sa concoction na ito ay mga prutas na matatamis
sapagkat ang mga ito ay mayaman sa potassium.
Halimbawa
·
Kalabasa
·
Papaya
·
Saging
·
Pakwan
etc.
Mga Sangkap
|
Tools
|
2 kilong pinaghalo-halong prutas (Kalabasa, Papaya, Saging,
Pakwan, etc.)
1 kilo molasses
|
Chopping board
Kutsilyo
Timba
Bato
Manila paper
Sandok Panghalo
Garter or Rubber band or string
Masking tape
Marker
Salaan (strainer)
Imbudo (Funnel)
Plastic bottle
PPE
|
PARAAN
NG PAG-GAWA
1. Hugasan ang mga prutas.
2. Hiwain ito ng di na lalaki sa 1-2 inches.
3. Ilagay ito sa timba. at haluan ng 1 litrong
molasses.
4. Haluing mabuti at lagyan ito ng takip na
manila paper.
5. Lagyan ng label na nakasulat ang sumusunod:
a. Pangalan ng Concoction: FFJ
b. Date of Production (DOP):
c. Date of Harvest (DOH):
6. Hayaan itong maburo sa loob ng 7 araw.
7. Makalipas ang 5 araw, gamit ang salaan (strainer) ihiwalay ang sapal sa katas
ng prutas. Pigaan ito.
8. Ilagay ang katas sa malinis na plastic bottle.
Lagyan ito ng label na nakasulat ang sumusunod.
a. Pangalan ng Concoction: FFJ
b. Date of Production (DOP):
c. Hanggang kailan pwede gamitin:
Ito ay maaring magamit sa loob ng 3-6 na
buwan. Ang sapal ay maaring ipakain sa alagang hayop o kaya naman ay ihalo sa
compost.
PAG-GAMIT
πGinagamit pang-halo sa pakain ng alagang
hayop na pinang-gagalingan ng bitamina.
π Maghalo lang ng 2 kutsarang FFJ sa 1 litrong
tubig inumin ng alagang hayop.
πGinagamit ito pang-drenching sa lupa o foliar
spray sa halaman (1 litrong FFJ sa 1 drum
na tubig kapag drenching o 300ml kada 16 liters kapag foliar).
π Ginagamit ito pang-pabilis ng pagkabulok ng
compost. (1 litrong FFJ sa 50 liters na
tubig)
Kung minsan po bago ko tuluyang ihalo sa compost o pakain ng alagang hayop ang mga sapal. Ibinababad ko pa po ito sa tubig tapos yung katas na humalo sa tubig ginagamit ko pandilig sa halaman.
Kadalasan po ang ginagawa ko ay pinagsasabay ko na po ang gawa at fermentation ng ingredients for plant juice at fruit juice lalo na kung ipapainom ko po ito ssa alagang hayop or ididilig sa initial stage ng halaman. I always ferment this concoctions sa loob ng 14 days or higit pa.