Ang vermiculture ay pag-aalaga ng bulate na kung saan ang ano mang nabubulok na pedeng gawing magbigay ng nutrition sa halaman ay pinapakain muna sa bulate upang maging magandang pataba sa lupa. Karaniwang African Night Crawler (ANC) na bulate ang ginagamit sa proseso na ito.
Ang VERMICAST ay ang dumi (manure/poop) ng mga bulate.
Ang VERMICOMPOST ay pinaghalong dumi ng bulate at mga pagkaing hindi naubos.
Ang vermicast at vermicompost ay nagpapaganda ng quality ng lupa. Maaring maghalo ng 100g or higit pa kada sq. meter ng iyong area. Syempre mas marami mas maganda lalo na kung nakabase ang ratio ng iyong application sa soil test ng iyong lupa. π
Ang vermicast at vermicompost ay nagpapaganda ng quality ng lupa. Maaring maghalo ng 100g or higit pa kada sq. meter ng iyong area. Syempre mas marami mas maganda lalo na kung nakabase ang ratio ng iyong application sa soil test ng iyong lupa. π
Ang VERMITEA ay liquid fertilizer kung saan ang vermicast ay dumaan muna sa proseso ng fermentation para dumami ang mga beneficial microorganism at sa tulong nito madaling masipsip ng halaman ang nutrition na nasa vermicast.
Ang VERMIWASH ay katas ng compost, katas ng vermicast at pinagliguan ng mga bulate.
![]() |
| Compost + Earthhworm like African Night Crawler (ANC)= VERMICULTURE |
MGA KATANGIAN NG AFRICAN NIGHT CRAWLER
1. Ang kada 1 kilong african night crawler (ANC) ay kayang umubos ng 1 kilong pakain araw-araw.
2. Kaya nilang kumain ng katumbas ng bigat ng kanilang katawan.
3. Mabilis silang dumami sapagkat kayang domoble ng kanilang populasyon sa loob lang ng isang buwan.
4. Humihinga sila sakanilang balat at ang kanilang bibig ay nasa unahan lang na parte ng kanilang katawan.
5. Mas gusto nilang kainin ang moist na organic compost na nabulok sa tulong madaming mabubuting mikrobyo.
6. Ang karamihan ng bulate ay hermaphrodites, ibig sabihin meron silang parehong male at female sex organs. Pareho silang pwedeng mamabuntis at magbigay ng itlog.
7. Ang mga african night crawler ay may kakayahang magpalahi linggo-linggo at kayang magbigay ng 3 fertilized na itlog kada capsule.
8. Nag-mature na sila sa loob ng isang buwan.
9. Kayang humaba hanggang 20cm at mabuhay ng hanggang 1 taon.
10. Ayaw nila ng maliwanag.
11. Meron silang 5 puso.
12. Meron silang complex digestive system.
13. Ayaw ng bulate ang maasim at maanghang na pakain kaya wag itong ihalo sa pakain na ibibigay sa bulate.
![]() |
| Vermicomposting Process (Drawing of Jedidiah Estaras) |
Ang proseso na kailangan daanan bago maka-harvest ng vermicast ay ang sumusunod:
1. Pre-composting Process- Preparation and partial decomposition ng mga organic materials na kakainin ng bulate. Tumatagal ito ng 2 to 4 weeks depende sa combination at dami ng mga ingredients.
2. Composting- patuloy na pagkabulok ng mga organic ingredients, pagkain at pag-digest ng mga bulate sa iyong inihandang pagkain. Ang prosesong ito ay tumatagal depende sa ratio ng pagkain ng bulate at dami ng bulateng kakain. Tandaan, ang 1kilo na bulate ay kayang umubos ng 1kilo na pagkain sa loob ng 1 araw.
3. Harvest- Matapos ang 1 hanggang 3 buwan depended sa situation maari ng ma-harvest ang vermicast or vermicompost.
PAGGAWA NG PAGKAIN NG BULATE
Maari kang mag-experiment ng iba't-ibang mixture ng pakain para sa bulate depende sa kung anong available sa iyong local area. Marami ng pag-aaral tungkol dito. Kailangan mo lang tandaan ang sumusunod.
- Kung ano ang pinakain mo sa bulate ay yun din ang posibleng nutrition na makukuha mula dito at maibibigay sa halaman.
- Ayaw ng bulate ang maasim at maanghang na pagkain.
- Huwag maghalo ng karne at kanin sa compost na ipapakain sa bulate. Ito ay nang-aakit lang ng mga predators lalong-lalo na ng langgam at nagiging dahilan ng mabahong amoy sa compost pile. Ang bacteria na nagbubulok sa karne ay maaari ding pagmulan ng kontaminasyon na maaaring makasama sa pre-composting process.
- Bumabagal ang pre-composting process kapag maraming fats, oil at grease na nakahalo sa compost. Kung minsan ay nangaakit din ito ng langgam at ibang predators.
- Hindi rin dapat ihalo ang dumi ng tao, aso at pusa.
- Huwag maghalo ng may sakit na halaman sa pakain ng bulate. Baka kasi magsurvive ang "causal organism (bacteria, fungi, virus)" ng sakit at kumalat pa sa ibang halaman.
Halimbawa ng mga materials na maaring gamitin
Mayaman sa nitrogen
- kakawate
- ipil-ipil
- rensonii
- flamegia
- indigofera
- trichantera (madre de agua)
- wild sunflower
- napier
- Reject na prutas at gulay basta walang sakit
- mga damo (weeds)... Kaya lang dapat walang bulaklak para di kumalat ang buto nito sa field. Yung ibang damo na ugat ang propagation materials dapat tanggalan din ng ugat.
- Duckweed and azolla
- at iba pa.. π
πpara sakin halos po lahat ng halaman ay maaring ipakin sa bulate.
Mayaman sa carbon
- Tuyong dahon ng mula sa mga puno
- rice straw (dayami)
- sawdust (kusot) basta walang treatment ang kahoy
- mushroom spent
- at iba pa..π
Halimbawa ng iba't-ibang mixture ng pakain para sa bulate.
a) 40% animal manure at 30% iba't-ibang farm waste or mga reject na gulay at prutas na galing sa palengke at 30% dried leaves or coco coir dust or sawdust
b) 50% halamang mayaman sa nitrogen, 10% damo na nang-galing sa farm at 20% animal manure at 20% na dried leaves or coco coir dust or sawdust
c) 10% banana trunk, 50% halamang mayaman sa nitrogen at 40% mushroom spent
d) Your own ratio & proportion! Maghalo ng ingredients na mayaman sa carbon source at nitrogen source na ingredients para mabilis mabulok ang compost. Yung mga sample ingredients sa carbon source ang mag-absorb ng juices from the nitrogen source para syempre di kumawala ang karamihan ng nutrients and enzymes na kailangan mo for microbial and plant growth.
PAALALA:
- Magandang gamitin ang banana trunk dahil matubig ito. Kaya malamig sa katawan ng bulate at magiging ganadong ganado sila magparami.π
- Kapag galing sa palengke ang ingredients hugasan muna ng tubig bago ihalo. Kasi baka may mga kemikal na maaring makaapekto sa bulate.
- Ito ay GABAY LAMANG NATIN. Maaari tayong mag experiment kung ano ang naayon, marami at madaling makuha sa ating lugar.
PROSESO:
1. Gilingin or tadtarin at paghaluin ang mga available na materyales.
"Kaya po kailangan gilingin at tadtarin ang mga ingredients ay dahil nakabase sa kapal, lambot at haba ng mga ingredients ang bilis o bagal ng pagkabulok ng iyong compost. Syempre mas malaki, mas makapal, mas matigas means mas matagal kang maghihintay bago pa makain ng bulate ang inihanda mong compost."π
2. Basain ng tubig ang compost dahil paborito ng mga beneficial microbes ang moist na compost. favorable and condition na ito para magtrabaho sila at magparami. Kapag mas maraming microbes at may magandang condition ang compost nila mas mabilis nilang matatapos ang pre-composting process. 50%-80% moisture ang maganda.
Para malaman ang tamang moisture kumuha ng pakain, pigain at kapag naramdamn mong basang- basa na ang compost at nabuo na ito pagbukas ng iyong palad tamang tama na ang moisture nito.
OPTIONS: Kung gusto mong mapabilis ang pagkabulok maaring maghalo ng sumusunod.
π Paghaluin ang 1 litro ng alin man or combination ng sumusunod IMO, LABS, FPJ, FFJ, or EMAS at 100 to 200 liters na tubig.
π Pede din ang 1 liter JMS at 10 liters na tubig
π Pede din ang 1 liter vermitea at 30 liters na tubig
3. Idilig ang tubig na may concoction sa pinahalong mga materyales.
4. Ilagay ang mga pakain sa vermi bin (kung saan ilalagay at padadamihin ang mga bulate).
5. Takpan ito ng sako at pabayaang mabulok ng bahagya ang mga pakain sa loob ng 2 hanggang 4 na linggo. Wag magmadali. Kaya kailangan ng pre-composting period ay dahil habang nabubulok ang compost umiinit ito. Hindi ito gusto ng bulate. Ayaw po nila ng mainit na pagkain kaya po kailangan muna itong palamigin kaya ganito kahaba ang ang pre-composting period.
6. Pagkalipas ng 2-4 na linggo tanggalin ang takip at ilagay ang mga bulate para mag umpisa na silang kumain.
Saan kayo maaring mag vermicomposting?
a. Mas mainam na ilagay sa malilim na lugar ang iyong vermicomposting area.
b. Dapat hindi binabaha ang area at may malapit na source ng tubig para di ka mapagod magdilig sa tag-init.
c. Maari kang mag vermicomposting kahit ikaw ay nakatira sa urban area. Maari kang gumamit ng timba o banyera as vermi bin mo. Siguraduhin lang na may butas sa bandang ilalim ng container upang di maipunan ng tubig. Naglalayas ang bulate kapag naiipunan ng tubig ang vermi bin.
1. Huwag itong pabayaang matuyuan. Kaya diligan ito kada 2 araw kung mainit o kaya naman ay kada 3 araw kapag malamig at maulan naman. 50-80% moisture lang ang target. LALAYASAN ka ng bulate or mamamatay sila kapag sobrang basa ang compost mo lalo na kapag tipong halos bumaha na sa iyong compost bin. π
a. Mas mainam na ilagay sa malilim na lugar ang iyong vermicomposting area.
b. Dapat hindi binabaha ang area at may malapit na source ng tubig para di ka mapagod magdilig sa tag-init.
c. Maari kang mag vermicomposting kahit ikaw ay nakatira sa urban area. Maari kang gumamit ng timba o banyera as vermi bin mo. Siguraduhin lang na may butas sa bandang ilalim ng container upang di maipunan ng tubig. Naglalayas ang bulate kapag naiipunan ng tubig ang vermi bin.
1. Huwag itong pabayaang matuyuan. Kaya diligan ito kada 2 araw kung mainit o kaya naman ay kada 3 araw kapag malamig at maulan naman. 50-80% moisture lang ang target. LALAYASAN ka ng bulate or mamamatay sila kapag sobrang basa ang compost mo lalo na kapag tipong halos bumaha na sa iyong compost bin. π
2. Ang mga vermi bin ay hindi dapat naarawan ng direkta. Tuloy tuloy ang pagkain, pagpaparami at pag produce ng vermicast kapag shaded or madilim ang lugar nila. Hindi dapat nababasa ng ulan baka kasi bahain ang area. Kaya make sure nyo rin po na ang area ng iyong compost bin ay hindi bahain.
3. Takpan ito ng net o kaya naman ay mga dahon-dahon para makaiwas sa predator gaya ng ibon, manok, daga atbp.
TANDAAN:
![]() |
| Tarapal cover against predator |
![]() |
| Net cover against predator |
TANDAAN:
π Hindi kinakain ng langgam ang bulate pero kinakagat nila ito at kaya nitong ubusin ang populasyon ng bulate kapag napabayaan.
πAng pagpapahid ng grasa sa labas at paligid ng compost bin ay makakatulong upang mabawasan at maiwasan ang pagdami ng langgam.
π Depende sa ratio ng pagkain at dami ng bulate ang pagkabilis na ubos ng compost.
1kg compost sa 1 kg na bulate sa loob ng 1 araw. Kung partial harvest lang ang iyong kailangan sa 100 kilo na pakain na may 2 kilo na bulate maari ka ng mag umpisang mag harvest makalipas ang 1 buwan.
π By experience, kung 100kg ang pinakain mo makakaharvest ka ng 40-60kg na vermicast (depende sa combination ng materials na ginamit mo).
IBA’T IBANG PARAAN NG PAG-ANI NG VERMICAST
MANUAL PICKING- Mano-manong kinukuha ang mga malalaking bulate at inililipat sa iba pang vermi bin. Pag naihiwalay na ang bulate, bistayin (sieved) naman ang vermicast para masala pa ang vermicompost at iba bang maliit na bulate.
PYRAMID METHOD- Sa isang malilim na lugar ilagay ang vermicompost sa porma ng pyramid. Pagkalipas ng isang araw ang mga bulate ay nasa bandang ibaba na. Maaari ng ma-ani ang vermicast at ang mga bulate.
MIGRATION- ilipat ang laman sa kabilang side ng lagayan. Kapag na harvest na ang isang side, maglagay ng pakain para pumunta ang mga bulate sa pakain at makapag-harvest ka naman sa kabilang side uli.
Note: Ang ibang malalaking farm na vermiculture ang negosyo gumagamit na din ng machine para mapabilis ang pagharvest nila ng vermicast.
PACKAGING
Maari ng gamitin kaagad ang vermicast at vermicompost na pataba sa halaman.
Pagka-ani ng vermicast gumamit ng screen mesh na may sukat na 3/16”. Napapadali nito ang paghihiwalay ng vermicompost sa purong vermicast.
Patuyuin sa isang malilim na lugar ang mga vermicast.
Ilagay sa sako ang vermicast o vermicompost. na may 10-30% moisture.
IBA'T- IBANG PARAAN NG PAG-GAWA NG VERMITEA
Ito ay complete liquid fertilizer na maaaring gamitin sa drenching o foliar para sa halaman. Sa option 3 na fermentation process, nilalagay na ang concoction na may laman ng karagdagang sustansya at mga beneficial microorganism na tutulong para mapalakas pa ang bisa ng vermitea. Ang pag-gamit ng aerator ay nakakatulong upang magkaroon ng oxygen na nagiging daan upang mabilis na dumami ang mga beneficial microorganism sa vermitea at mailabas ang nutrients na nasa vermicast.
Mamili lang kahit isang paraan ng pag-gawa ng vermitea na sa palagay ninyo ay practical sa inyong sitwasyon. Ang ibat-ibang paraan na ito ay natutunan ko mula sa mga training, personal experience at sa mga farmers na nakasalamuha ko sa field.
Adjust the ration and proportion kung kinakailangan base sa dami ng inyong didiligan every week. I suggest na gumawa lamang kayo ng vermitea na kaya nyong ubusin sa loob ng 2 linggo. Expect sweet but more sour smell from vermitea.
OPTION 1
Ingredients
- 1 kg vermicast
- 1 kg molasses
- 25-30 liters water
- aerator
PARAAN NG PAG-GAWA
1. Ibabad sa 25-30 liters na tubig ang 1 kg na vermicast.
2. Ihalo ang 1 liter na molasses.
3. Haluin ng mabuti. Gamitin ang aerator para magkaroon ng bula ang vermitea.
4. Pagkalipas ng 24 oras maaari na itong gamitin. Ngunit mas mainam kung papaabutin ng 3 araw fermentation.
OPTION 2
Ingredients
- 10-20 kg vermicast naka sako
- 1 kg molasses
- 1 liter EM Activated Solution (EMAS)
- 150-170 liters water
- 200 liter capacity drum
PARAAN NG PAG-GAWA
2. Ihalo ang 1 liter na molasses at 1 liter na EMAS.
3. Haluin ng mabuti. Hindi na ito kailangang lagyan pa ng aerator pero dapat takpan ng mabuti ang drum (anaerobic fermentation)
4. Haluin ito ng 1 beses sa loob ng 3 araw.
5. Maari ng gamitin matapos ang 3 araw.
Note: Sa palagay ko ms praktikal ito pag wala or malayo ang source ng electricity
sa farm ninyo
OPTION 3
Ingredients
- 10-20 kg vermicast naka sako
- 1 kg molasses
- 1 liter IMO
- 1 liter LABS
- 1 liter FAA
- 1 liter FPJ
- 1 liter FFJ
- 1 liter Calcium
- 1 liter Calphos
- 1 liter OHN (optional)
- 150-170 liters water
- 200 liter capacity drum
Note: Kung kayo ay regular na ang drenching ng ibat-ibang concoctions sa iyong mga alagang halaman, itong concoction na ito ang isa sa magandang pang- maintenance dahil kumpleto na ito sa nutrients. Pero kung sa palagay mo ay mas kailangan na ng iyong halaman ng specific additional nutrients saka ka nalang magdagdag muli.
PARAAN NG PAG-GAWA
1. Ilagay sa sako ang 20 kg vermicast at italing mabuti ang sako. Ibabad ito sa tubig.
2. Ihalo ang molasses at iba pang concoctions
3. Haluin ng mabuti. Gamitin ang aerator para magkaroon ng bula ang vermitea.
4. Pagkalipas ng 24 oras maaari na itong gamitin. Ngunit mas mainam kung papaabutin ng 3 araw fermentation.
PAG-GAMIT NG VERMITEA
π Ang kada isang litrong concoction ay maaari pang haluan ng 1 hanggang 10 liters ng tubig bago idilig (drench) o spray sa dahon ng halaman.
π Maaari din itong gamitin pampabilis ng composting. Maghalo lang ng 1 liter na vermitea sa 50 liters ng tubig at idilig ito sa compost.
VERMIWASH
Ang vermiwash ay pinagsamang katas ng compost at vermicast. Ito ay mayaman sa beneficial microorganisms, nutrients at growth hormones ayon sa mga pag-aaral. Nakukuha ito sa pamamagitan ng pagdidilig ng tubig sa vermibin. Sa proseso na ito kinukolekta ang na drain na tubig matapos magdilig. Paborito ito ng mga seedlings.
Maari itong gamitin kaagad at idilig ng puro o ihalo ang 1 liter sa 5-10 liters na tubg bago idilig.
![]() |
| Para sa aking vermibin gumamit ako ng sirang container ng mineral water. Nagpagawa ako ng stand para mabilis makoleta ang lahat ng excess na tubig. |




















Malaking tulong ang blog na ito para sa mga bagong farmer, pwede ko din ito maibahagi sa mga estudyante. ππππ
ReplyDeleteang husay . saludo ako sa mga pamamaraan.
ReplyDelete.will study more and will apply soon..tnx pp sa pgshare.
Thanks for sharing knowledge to us
ReplyDelete